tengga

tengga /tƐȠgɅ?/ pnd. estado kung san walang ginagawa; blangko, walang laman.

kelan ko lang nakilala yang salitang yan (ginawang title ng libro). ang nasa itaas din ang pagkakaintindi ko sa kanya. ewan ko kung sumakto ako, pero kung hindi man, walang pakialamanan. eh sa yan ang pagkakaintindi ko eh. hehe. ngayon, habang makulimlim ang kalangitan at may manaka-nakang pag-ambon, habang nanonood ako ng lalakeng parang wala ng bukas kung makalamon (man vs. food), at habang naghihintay ako ng laban ni pacquiao sa solar sports, naalala ko ang kaibigan kong si tapa. napag-isip-isip ko na ang tagal ko ding tinengga ‘tong tamabayan ko. may mga nagtataka siguro kung bakit (yun eh kung meron man.hehe.), bakit nga ba? eto ang listahan ng mga palusot ko: 😀

1) busy ako (asus..busy your face!);

2) kasi blocked ang wordpress sa office (asar!eto..totoo to!), kaya pag may mga gusto akong isulat habang nasa office, hindi ko maisulat;

3) walang internet sa bahay. (-___-“) (maralitang maralita ang dating.haha)

4) lagi akong nasa layasan (saka na siguro ako magsusulat tungkol sa mga paglalakwatsa ko kapag tinopak akong magshare.haha);

5) wala akong maisip na isulat; at

6) hindi ko na alam (hahaha).

yung # 5-6 pag pinagsama..wala akong maisip at hindi ko alam kung bakit, minsan nakakaasar. kasi andami kong gustong isulat, bigla nalang lumulutang ang mga idea (lalo na pag nakatunganga na ko sa office)..kaya lang..tumingin sa #2-3. hehe.

sa ngayon, hangga’t may pagkakataon na makapagsulat at makabisita ng mga bahay, tambayan at kung ano pa..gagawin ko para di naman masyadong matengga ‘tong bahay ko. =^___^=

ayown.

usapang mangga

tama ka, dapat hintaying mahinog. dapat hindi ikalburo para hindi pilit at masarap talaga. pero…hindi mo ba alam na sangkap iyon sa ikahihinog nito ng maayos? hindi lang oras. dahil baka sa kahihintay mo ng tamang oras, hindi mo alam, nauod na pala sa loob. napeste na kumbaga. wala rin. hindi na makakain. hindi na malalasap yung matagal na paghihintay. hindi mo maintindihan na  ito ay dagdag proteksyon sa mangga, para hindi mapeste. para mapakinabangan sa tamang panahon. ito’y dagdag resistensya kumbaga para mahinog siya ng maayos. hindi lang basta hinog. pero maayos na nahinog.

sinabi mo din na madali nalang lagi sakin lahat. na simple lahat ng bagay. paanong nangyari yun? dahil naniniwala ako na..everything’s a matter of choice and i choose to look at the simpler side of things. madali kasi..i tend to do what i want. i’m righteous to what i believe on.

‘toy

sundalo 1: Totoy!

sundalo 2: Ba’t may bata dito? oy. hindi ‘to school!

ako: *Lingon sa mga nagsalita’t napahigpit ang hawak sa backpack*

sundalo 3: Buhay pa ba gumupit sayo?

ako: *natawa*

sundalo 2: Totoy na totoy!

***Yan ang usapang gagong gupit***

Bow.

Paano

Paano mararamdaman ng isang tao na gusto nya ng magseryoso’t magsarili sa buhay kung lagi nalang siyang nakakabit at nakadikit sa poder ng mga magulang at kamag-anak nya?  Na hindi siya makaalis sa pagtatago sa saya ng nanay nya? Na takot siyang magkamali at mapulaan ng mga kamag-anak niya at iba pang mga taong nakapaligid sa kanya?

Paano mong maiisip na may future ka sa taong ito kung ni hindi niya naranasan mamuhay mag-isa? mamuhay ng walang agarang aagapay? na ang kakampi mo lang ay sarili mo?

Paano mong pakikitungahan ang taong ni parang walang balak para sa relasyon nyo?

Paano mong tatanggapin na ni hindi ka nya maiharap ng personal sa mga  magulang nya?

Paano mong uunawain na duwag siya’t mahina ang loob? Na para bang sumulpot ka sa buhay nya para lang lagyan ng konting kulay ang walang kakwenta-kwenta nyang eksistensya sa mundo?

Eh ikaw, ano ang gagawin mo kung ang karelasyon mo ngayon ay ang nasa lahat ng “paano” na naisulat ko?

Argao

Waterfalls massage at Kawasan Falls, Town of Badian

Kung may isang lugar man akong gustong balikan, Argao (sa Cebu) na siguro iyon, isama na rin ang mga kalapit bayan pa nito. Tahimik. Malinis ang tubig. Disiplinado’t mababait ang mga tao. At dahil mahilig ako sa waterfalls, perfect location na talaga ‘to.

vingt.bente.venti.bainte.twenty.ni jyu.

Dahil lutang nanaman ako’t wala ang boss ko, nakapagbasa-basa nanaman ako ng blog ng ibang tao. I bumped into beeftapa’s blog about the world vision’s support a child program. Ewan ko. I think it hit me. Dahil ba sa wala akong magawa sa buhay ko’t gusto kong magkasilbi man lang? Siguro…

I’m not rich, my family isn’t rich. Kumbaga, tama lang. Middle class. I’m a government employee (syempre dahil lang nanaman sa kabulastugan ko kaya ako nandito), independent since I graduated (2 taon na mahigit kong binubuhay sarili ko), sakto lang sweldo ko para sakin (nakakapagtabi rin naman ng konti), at ang boring ng buhay ko.
Ayown. Iminulat ako ng mga magulang ko na wala silang ibang maipapamana sakin kundi edukasyon. Both of them were not able to finish school. Kaya yung frustration nilang makatapos eh sa aming magkakapatid nila ginawa (successful naman sila kasi lahat kami eh nakapagtapos). Hindi siguro enough yung pagpapasalamat ko’t pinag-aral nila ko…so I’m thinking na…habang wala pa kong “responsibilidad” (asawa’t anak = pamilya), why not make myself useful to others? Those who badly needed it… Kaya nung nabasa ko post ni BT, parang biglang may message alert tone na tumunog sa utak ko. P20/day? Why the hell not! Cornetto lang katapat nun. Bwehehehe. Tipong…bitin na gupit ng bangs at disco with a flashlight lang ang katapat, pero dahil sa nabasa ko sa World Vision, makakatulong na pala akong magpadala ng 1 bata sa school. May isang buhay na kahit na sa maliit na paraan eh mabibigyan ng pag-asang umayos.

Marami sigurong magtataka’t matatawa sa gagawin ko. Iba naman kasi pagkakakilala nila sakin. Bwehehehe. Newei…Gusto ko talaga. Gustong gusto.

with eyes wide open

i can’t sleep. that’s a heck of a bad news. darrrrn… i just wanna close my eyes and sleep..but heeeeeck. i just can’t sleep! something’s wrong with my system again. wait. i did not drink coffee, i did drink a little iced tea though (but that was like this morning pa!), i ate chicken, i ate mangosteen (so what does it have for me not yet snoozing?), uh…what else? i didn’t do any extreme activity (i did clean a little), grrrr…what’s happening with me?! hay…maybe i just miss the old days, my old days. i terribly miss my girls… just a while ago, i scanned our pics. stupid looking girls, feel free girls, gorgeous (though unaware of it) girls, unmatchable laughs, heart pounding giggles, heartwarming smiles… *sigh* no adjective/s can measure nor describe what we’ve had. i just hope, somebody would reflect and iron things out ‘coz we’re slowly missing a lot of things out. we’re growing apart…

i think i’d have to turn this thing off and relax…calm my senses and shut my wide eyes…

oh yeah. the time here isn’t right.

310136052010

random thoughts

— bakit may mga taong diretsa mong tinatanong pero hindi diretsa ang sagot?ang defensive at guilty ng dating
— you really can’t impress everyone
— isang nakakainis na defense mechanism ay magturo/manisi ng ibang tao just to save your own butt
— namimiss ko ate ko. lalo na yung pag-aasaran namin.
— namimiss ko rin mga kabarkada ko…(yung buo kami)
— likas lang talaga sigurong malandi ang mga lalake
— abnormal talaga ako
— nabobore na ko sa buhay ko..dahil ba sa walang bagong nangyayari?like..major turn sa buhay ko
— gusto kong lumayas
— gusto kong matulog lang (in short, hibernate)
— may gusto akong gawin..pero di ko alam kung pano ko sisimulan
— i think too much…to the point na di ko na majustify yung way of thinking ko
— parang…umuulan ng materyal na biyaya ngayon (hehe)
— ano kayang nakatutuwang gawin?
— kelangan kong makapag-ipon kung gusto kong lumayas
— gusto ko ng dagdag trabaho (yung ikayayaman ko)
— may mga tao talagang gahaman at abusado
— sana magkalablayp na si chief, mam d, mesh, ochan, at lorinda
— ang kapal ng mukha ni Paulo
— sana umulan
— gusto kong magdesign ng cr
— gusto ko na ng sarili kong bahay/space (kahit na maliit lang. basta pwede kong ayusin)
— hindi ko talaga linya ang military (i could be of help even if i’m not one of them)
— research nga ba talaga ang linya ko?
— gusto ko na ng stat
— minsan..naiisip kong magpamilya na (tapos biglang…BOG!sino namang gugustuhing makasama ka stefania?!)
— sana may ikasal na kong close friend para makarampa naman kami
— namimiss ko na paglabas kasama sila abril, ama, meshi, lorinda’t ochan
— sana…magbati na si ama’t meshi
— kelan kaya ako makakatanggap ng “something” mula sa kanya na may isisimbolo?
— ang kinis ng kalbong ulo ni roy ackley (haha)
— uh…ok naman pala ang iced tea na orange flavor?haha
— may mga taong magaling pero di marunong mag-express ng sarili (sad)
— gusto ko ulit mag-aral
— masarap yung brewed coffee dito
— di masarap ang pagkain
— may mga taong mahilig mag-astang tatanga-tanga para lang di mapag-initan

yun lang muna siguro…di ko na maisip yung iba pa..ehe..ehe..

pagong

mahal kita, di mo lang alam kung gaano.

ang daang tinatahak natin ay mabato, magulo, maalikabok, in short, rough road. Ngunit sa pagpanaog mula sa sinasakyan na hirap sa pagtawid sa rough road na daan, pahinga lang ang katapat niyan. Ipahinga, ikain, at iligo. Maaayos din na parang walang nangyari. At sa huli, lilingunin nating may ngiti’t tawa sa labi.

*sigh*

*sigh*

ilang araw na kong puro buntong-hininga nalang. ewan ko ba. siguro nga eh meant for “that” kind of men ako. parang heelllllllllllllooooooooo…babae pa rin naman ako noh. nakakainis lang na hindi ako makahanap ng lalakeng magbibigay ng buong-buo. na ako yung priority. na romantic. na will do stupid but really stupid stuff just for me, kahit na gaano siya kastupid at ka-corny. pero..sabi ko nga…mukhang malas ako dun ah. hahaha. pak.

sana lang…kung paano magmahal ang isang tao eh ganun din yung isukli sa kanya. pero duh…fairytale ‘ata hanap ko. ehe..ehe…

*sigh* iniisip ko pa rin…masyado bang mataas expectations ko? o hindi lang talaga ako karapat-dapat na effort-an? *sigh* ulit.

namimiss ko na siya..pero 2 araw ko na siyang hindi tinetext…hinihintay ko kasing effort-an man lang ako lalo na’t malayo ako sa kanya..a phone call won’t do any harm naman siguro…tapos, an hour from now, 7th month na namin.. *sigh* hindi ko na alam gagawin ko…lagi nalang kaming nag-aaway. minsan..ayoko nalang talaga… *sigh* ewan. simple lang naman gusto kong mangyari, pero wala eh. nakakafrustrate. nakakawalang-gana. nakakalungkot. mahal ko siya, oo. pero…ang hirap nung ganito… i want to keep holding on but why does he always do things that make me want to just let go? though aminado ako na may kasalanan din naman ako sa mga nangyayari. maybe i expect too much. or because may attitude problem din ako. *sigh* ano ba gagawin ko???